Pagbabalik

Pagbabalik

14.2K Reads 343 Votes 54 Part Story
Joy By LigayaMaronilla Completed

Maabilidad, determinadong mag-aral at matiyaga. 'Yan ang pangunahing katangian ni Ciara. Nakatuon lamang ang kaniyang isip sa pagitan ng pamilya, kaibigan at pag-aaral. Wala ng iba pa. Wala sa bokabularyo niya ang pakikipagrelasyon. Sa totoo lang, ang magulang pa niya ang tumutulak sa kaniyang sumabak sa relasyon. Sa tingin niya'y, panira lamang ito sa kaniyang oras. Nasa isip niyang mas mahalaga na ituon muna ang atensyon sa pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon.

Ngunit nang dumating sa buhay niya si Scott, biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay. Lahat ng prinsipyong pinangangalagaan niya ay unti-unting nagigiba. Nagmahal siya. Sumaya siya. Naligayahan siya. Lahat ng panibagong pakiramdam na 'yon ay naramdaman niya kay Scott.

Ngunit isang gabi, isang malaking pagkakamali ang sumira sa halos perpektong istorya ng buhay nila. Lahat ay tila nagulo at nawindang. Y'ong tipong kung kailan nasa kasukdulan na sila ng istorya nila at saka pa magkakandaletse-letse.

Totoo palang kapag nagmahal ka ay may kaakibat na sakit . Lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. At, totoo rin pala na kapag nakuha niyang dumating sa buhay mo ay makukuha rin niyang umalis. Hanggang sa... maiiwan ka na lang na mag-isa. Napakasakit sa pakiramdam ng maiwan. Lalong-lalo na kung wala kang kasiguraduhan kung babalikan ka pa niya o hindi.

No comments listed yet.