CHAPTER 1 (Part 1 of 2) Ako si John Bert Innocencio, 28 anyos na, wala akong alam sa lahat ng bagay pagdating sa pag-ibig pero sa dinadami dami ng quotes na naglabasan sa mga social media page. Nagpilit ako sumulat ng tungkol dito. Sa dami ng naglabasang heartbroken, pabebe at walang forever. sinubukan kong pataehin ang keyboard ng computer ko upang i-share sa ilan ang ilang mga pinagdaanan ko sa pag - ibig na sana makatulong sa pagbibigay ng ilang tips kung bakit hindi nagwowork ang isang relasyon. Una kong naging GF si Aimee (Di niya tunay na pangalan) mga 18 yrs. old ako nung nagkakilala kami, Nakilala ko siya sa isang liblib na lugar sa batangas. Nagsimula ang lahat ng nagkayayaan pumunta sa probinsya ng tropa kong si Darwin may binyag daw sa kanila. Kasama ang Bestfriend ko na si Val nilakbay namin ang malayo at napaka init na biyahe. Matapos ang ilang oras, paglanghap ng usok, pangangawit ng pwet at kamay sa kapapaypay dahil sa trapik gamit ang mainit na inarkilang sasakyang van nila Darwin at ng pamilya niya. Nakarating kami sa Lemery. Kakaiba ang lugar. Maliban sa Kulay pulang lupa, mga matatarik na daan, mataas na puno ng mangga, amoy ng dahon sa hangin. Higit na nakapansin sa akin ang pag laspag sa katagang "AMANG" "TOTOY" "INENG" na napaka dalang mo lang marinig kapag nasa Maynila ka. Kakaiba rin ang ugali ng mga tao sa probinsya. Simple ang buhay pero mararamdaman mo sa kanila ang pakikipag kapwa tao. Halos lahat ng tao nakangiti, nagtutulungan para sa paghahanda ng munting salo - salo para sa anghel na bibinyagan.
6 parts