Narito Ako (COMPLETED)

Narito Ako (COMPLETED)

36.3K Reads 1.7K Votes 22 Part Story
Jasmine Esperanza PHR By JasmineEsperanzaPHR Completed

"I owe you a wedding night..."
    
    
    Hinagod nito ng tingin ang buong mukha niya. Kung ibabase niya sa paraan ng pagtingin ni Luke ang sinasabi nitong praktikalidad sa alok nitong kasal, parang mayroon pang ibang dahilan.
    	"Pero paano ang sarili mong buhay? Kung pakakasalan mo ako, magiging malaking responsibilidad mo ako, Luke. Hindi mo na magagawa ang dati mong ginagawa mo."
    	Payak itong ngumiti. "Huwag kang mag-alala. This is my life. Ako ang bahala sa sarili ko."
    	"Pero hindi ba, kung magpapakasal ako sa iyo, hindi lang ikaw ang magkakaroon ng karapatan sa akin? Anong klase bang alok ito, a marriage in name only?"
    	"Gaano ba kalinaw ang gusto mo, black and white? Listen, hindi rin naman ito biro sa akin. I don't want this marriage to be in name only pero alam ko namang mayroong limitasyong ang kasal na ito sa pagitan nating dalawa."
    	"So, this would be far from ideal marriage," she said softly.
    	"I don't know what is an ideal marriage either," wika nito. "Saka, we're going to make the marriage work, di ba? I believe love would come eventually." 
    	"Pipilitin ba nating ibigin ang isa't isa?"
    	His gaze held at her. "I'm going to be honest, Ethel. I'm beginning to fall in love with you."
    
    
    
    
    
    First page
    
    	Para ito kay Dawn Igloria, dahil naawa siya sa akin noong book launching sa Megamall. Hindi siya siguro makatiis na makitang kandaduling na ako sa gutom. Salamat sa hamburger at saka pati na rin sa Coke! At saka hello na rin kina Elizabeth McBride, Laurice del Rio at Sharmaine Galvez. Sila kasi ang seatmates ko that day!

hello po. available pa po ba to sa phr and national bookstore?
Chitchiritchi Chitchiritchi Nov 25, 2015
Miss Jas, kailangan na talaga ng reprint. huehuehuehue, next chapter po hehehehehe