Ivy's League (COMPLETED)

Ivy's League (COMPLETED)

20.5K Reads 735 Votes 14 Part Story
Jasmine Esperanza PHR By JasmineEsperanzaPHR Completed

"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league."
  
  
  Teaser:
  
  	Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. "Ano ba?" mataray na sabi niya dito.
          "Miss, sorry, ha?"
  	Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were... pink!
  	Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. 
  Was it really pink?
  	Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi?
  	At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. 
  	French kissing, she emphasized to herself.
  
  
  
  ********
  
  Hi, everyone! 
  This is one of my previously published book. I am posting a part of the book for all of you to read. I hope you enjoy the excerpt.
  
  
  Published under PHR Men In Blue Imprint

I have this book po. Marami akong blue men series book sa cabinet ko, i think, 2 year higj school palang ako nun and now nagtatrabaho nako andito pa din sila. At isa ito sa meron ako. HAHAHAHHAAHHAHA.
Chitchiritchi Chitchiritchi Nov 25, 2015
Miss Jas, pahiram ako nito! hahahahahah sana talaga magkareprint na :(
pablasebay pablasebay Nov 19, 2015
Mahal na mahal talaga kita miss jas!! . Naku pag-uwi ko nito mamali talaga ng mga books mo ulit.