Disgrasyada

Disgrasyada

20.3K Reads 293 Votes 15 Part Story
• misscaths • By MISSCATHS Completed

"Disgrasyada"


Yan ang madalas kong marinig sa twing pinag-uusapan ako ng mga taong may makakating dila dito sa amin. Kung papatulan ko sila parang inamin ko na rin sa sarili ko na mas makitid pa ang utak ko kesa sa kanila. Kung ano ano ang nasasabi nila tungkol sa akin samantalang hindi naman nila alam ang tunay na kwento ng buhay ko.

Ano nga bang kwento ko? Well, yan ang isang bagay na ayaw ko ng pagusapan at balikan. Gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat at magpakatatag na lang sa panibagong yugto ng buhay ko.

Anyway i'm Ynna Espinoza. isa na akong Executive Manager sa isang malaki at tanyag na kumpanya. Huwag nyo ng alamin kung pano nangyari yon, ako man nagugulat sa bilis ng promotions ko. Sabagay matalino naman talaga ako at responsable, pwera nga lang sa pag-ibig.

One day, atras-abante ako sa parking lot. Hindi ko kasi maisingit ang kotse ko sa pagitan ng dalawang sasakyang ito. Hindi rin naman kase ako ganun kagaling mag-drive at ayaw ko talagang nagpa-park. Kebago-bago...

No comments listed yet.