Ang Lihim Ni Seth

Ang Lihim Ni Seth

81.2K Reads 4.1K Votes 42 Part Story
Ai_Tenshi By Ai_Tenshi Completed

May buhay ang kakahuyan at tiyak na naririnig nila ang ating usapan. Ayon sa mga nakasaksi, walang eksaktong sukat ang kakahuyan dahil maliit lamang ito kapag iyong ipinag masdan mula sa itaas gamit ang sasakyang panlipad, ngunit kapag pumasok ka rito ay lumalawak ito at nawawalan ng hangganan. Maraming mga kwento ang lumaganap sa buong mundo tungkol sa kakahuyang ito, sinasabing may mga kakatwang liwanag ang nag lalaro dito tuwing gabi at ayon sa mga pahayagan ay kuta raw ito ng mga nilalang na nag mula sa kalawakan. Ngunit ayon naman sa mga taga rito sa hacienda, ang kakahuyang iyon ay pugad ng mga maligno at engkanto. Ang ilan sa mga ito ay magagandang babae o kaya gwapong lalaki na nag papanggap na sila ay nasugatan upang maka hanap sila ng bagong bibiktimahin. Ngunit higit sa lahat, ang pinaka kinatatakutang nilalang sa kakahuyang iyon ay ang mga tinatawag na "MANLIKMOT" wala pang nakaka kita sa kanila ngunit sila ay lubhang mapanganib kaya't mag buhat noon, wala nang nag tatangkang pumasok sa mahiwagang lugar na iyon.

explod202v explod202v Nov 18
Parang may katutuhanan ang ibang pangyayari..  Relate.. 😂
iya-iyakin iya-iyakin Nov 10, 2015
hands down talaga ako kay kuya Ai pati mga daliri ko sa paa pumapalakpak kasabay ng magkabilang tenga ko .. . walang kupas ang ipinapamalas na kahusayan ahihi(^)o(^).
Cooljudge7143 Cooljudge7143 Nov 04, 2015
Wow! Ganda ng story author. Kinilabutan ako sa story full of mystery xa author. Godbless author! ( ^_^ )