MIA

MIA

49.6K Reads 2.4K Votes 21 Part Story
Hiatus By FaithRufo Updated Oct 10

Hindi ba't lahat tayo ay pinapangarap na may lalaki tayong makikilala sa eskwelehan na gwapo, mayaman, sikat na medyo may pagka mayabang at possessive? Sa mga libro, kilig na kilig tayo sa mga lalaking ganito! Sila na ang itinuring na panibagong 'Prince Charming'.  Bihira nalang ang magka gusto doon sa mga lalaking hindi makisig, hindi gwapo at hindi din sikat. Boring sila diba? Masyadong mabait, masyadong masunurin, hindi exciting. Sa dinami dami ng fanfictions na nabasa ko, mga ganyang klaseng lalaki ang iniiwan. 

Kaya naman nang makilala ko si Jackson ay hindi ko na siya pinakawalan. Ako 'yung makulit, maingay at walang class na babae habang siya naman ay 'yung masungit, possessive at mayaman na lalaki. Hindi nga ba't opposites attract? Sabi niya saakin dati ay na-inlove daw siya sa pagiging totoo ko at dahil narin ako lang ang nag iisang babae na nakaka pag patawa sakanya. Ako, si Mia Anderson, nagustuhan ng isang Jackson Rodriguez. Parang hindi kapani-paniwala pero nagka totoo 'yan. 

Ngunit ano nga ba ang nangyayari sa mga karakter ng mga istorya kapag natapos na ang libro?

Ayan ang sana'y natutunan ko.

Hindi nila sinabi na darating ang araw na uupo ako sa bathtub sa apartment namin, nag iisip ng mga paraan kung paano mapapa dali ang pagtapos ng buhay ko. Hindi nila sinabi na magkakaroon ako ng napakaraming pasa dahil lamang sa selos.

Tinignan ko ang bote ng gamot sa kamay ko at ininom ang lahat ng kakasyang tableta sa bibig ko. Inilunok ko 'to at ipinikit na ang mga mata ko. 

Ako si Miala Anderson at sana'y hindi ninyo makalimutan ang pangalan ko.

***********

MIA © FaithRufo

SweetKaela SweetKaela Mar 26
pamatay talaga si Ate @FaithRufo pagdating sa warnings eh 😂 kala R-18 na horror story to eh 😂
hersownme hersownme Oct 15, 2015
mia dinho pangalan ko try ko po story niyo favorite ko din po ang violet hehe share lng po:)))
Jammmmms Jammmmms Oct 06, 2015
I like the plot. Sana tuloy tuloy to. Ayaw kong mabitin hahhhahaha
niyebengputi niyebengputi Sep 27, 2015
Exciting siya! Sobrang kakaiba bc hindi siya 'yung story na common!