The Ultimate Man Hater 2.0

The Ultimate Man Hater 2.0

37.3K Reads 1.4K Votes 27 Part Story
MsRedMonster By MsRedMonster Updated Nov 13

Apat na taon na ang nakakalipas simula ng grumaduate ng Literature at Journalism sa London si Jessica Misteryo. Sa edad na 25, isa na syang matagumpay na editor-in-chief ng Pink Planet, ang numero unong kumpanya na nagpupublish ng fashion, beauty at teen-talk column articles na para sa mga babae.

Ang kumpanya ay tumatakbo base sa kanyang mga plano. Hanggang sa isang pananabotahe mula sa kalabang kumpanya ang magpapayanig sa kanila. Isang eskandalo na mangangailangan ng mas matinding pagpaplano para maibalik ang kanilang imahe.

Paano nalang kung sa sitwasyong ito ay magbalik ang isang lalaking minsan ng nagpagulo ng mundo ni Jessica. Ang kauna unahang lalaking kanyang minahal at dumurog din ng kanyang puso. Magbabalik ang lahat sa kanya. Ang panloloko, pagpapanggap at pagpapaikot.

Isa lang ang nasa isip ni Jessica. Ang paghigantihan ang lalaking minsan na nyang minahal.

Pero paano nya nga ba ito gagawin kung sa pagkakataong ito ay kailangan nyang sundin ang isang Asher Calleja. 

Paano nya paghihigantihan ang lalaking sa tingin nito ay wala naman syang ginawa kay Jessica.

Magbalik kaya ang pagmamahal na minsan ng naramdaman ni Jessica o sa paglipas ng mga taon ay lalo lang lumala ang kanyang pagiging Man Hater?

Dahil kasabay ng mga lumipas na taon ang mas tumindi nyang pagkadiri at pagkainis sa mga lalaki.

ashthetically_wp ashthetically_wp Oct 01, 2015
OWMAYJI. HAHAHAHAHAAHAHHHH KAKALBUHIN KITA ASHER! HAHAHAHAHAHAHAAHHHHH EGGZOITED NAKO SA NEXT UD AUTHOR HAHAHAHAHAAA ":))