STRAIGHT

STRAIGHT

84K Reads 1.2K Votes 15 Part Story
Joemar Ancheta By JoemarAncheta Completed

Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali’t salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak… malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko.

            Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. 

NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta

  • boyxboy
  • bromance
  • bxbpinoy
  • gay
  • gaystories
  • m2m
  • man2man
  • mantoman
  • mantomanlovestory
  • manxman
  • mxmpinoy
Silver25x Silver25x Apr 15
Masyadong hard c tatay. Sundalo nga.. siguro my kransan siya sa bading?.
- - Feb 22, 2016
Ibang iba ung tatay na sundalo ni James sa Papa ni Patrick...sobrang bait nung papa ni pat
AprilSamYugao AprilSamYugao Aug 10, 2015
aw this is quite disturbing for me pero sana gumaan yung kwento sa next chapters...ok din yung narration pero parang mahaba masyado bago mapunta sa main points ^^