My Mysterious Neighbor [COMPLETED]

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]

40.9K Reads 1.4K Votes 31 Part Story
Seiti Fajardo By rheimyhan Completed

Highest Ranked Achieve: #13 in Vampire Category

Si Kim ang babaeng madaling ma-curious sa mga bagay-bagay na nakikita nya, at isa sa ugali nya ay 'yung hindi nya tinitigilan ang isang bagay na gumugulo sa isip nya hanggat hindi nalalaman ang totoo.

Katulad nalang ng kapitbahay nyang hindi nya pa nakikita sa loob ng isa buwan. Dahil sa kyoryosidad ay ganoon nalang sya maka-react ng makita na nya ang itsura ng kapitbahay nila.

Una hindi nya ito gusto dahil ang gusto nya lang naman ay mapatunayan na isa itong bampira na nag i-exist sa mundo ng mga tao. Ngunit dahil sa kalandian nyang taglay ay napalapit lalo ang loob nya sa kapitbahay nilang si Rhei. 

Lubos sya'ng naguluhan sa mga nangyayari sa kanya dahil kapag nanggagaling sya sa bahay nila Rhei ay natatagpuan nalang sya ng kaniyang lola na nakahandusay na sa labas ng gate ng kapitbahay nila.

Sa sobrang pag-aalala ng lola nya sa kalagayan nya ay dinala sya sa isang albularyo at doon na pala mag-uumpisa ang lahat ng kalbaryo sa buhay nya.

Sa araw ding iyon ay hindi na nagpakita pa sa kanya ang lalake.
Hanggang sa nalaman nyang nagdadalang tao sya at ang ama ng dinadala nya ay ang kapitbahay nila. Dumating ang araw na kabuwanan na nya at kailangan ng mailabas ang anak nya pero walang Rhei na nagpakita.

Doon nya nakilala ang isang doctor na nagpaanak sa kanya. Una naguluhan pa sya dahil kamukha ito ng lalakeng minahal nya noon ngunit may nalaman sya ng magpakita si Rhei sa kanyang panaginip at sinabi ang dahilan nito kung bakit ito nawala.

Kaya hindi na nya tinantanan ang doctor hangga't hindi nahuhulog ang loob nito sa kanya.Nagtagumpay naman sya sa gusto nyang mangyari ngunit isa nanamang pangyayari ang nagbigay ng sakit at pangungulila sa kanya ng mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan nila at namatay ang lalakeng mahal nya,ang lalakeng ama ng anak nya at ang misteryosong kapitbahay nya.

TITLE:MY MYSTERIOUS NEIGHBOR
AUTHOR: KimberlyCabilin

  • mysterious
  • neighbor
  • tntpanalo
  • vampire
  • wattys2015

No comments listed yet.