Babaeng Mental

Babaeng Mental

198K Reads 11.8K Votes 44 Part Story
Ate Doris By ajeomma Completed

Babaeng Mental
          Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster! 

         Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip!

         Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw.

        Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban.

        Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas!

        Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya!

Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin?

Copyright © ajeomma
  All Rights Reserved

juliannemaldita juliannemaldita Apr 24, 2016
Hindi po ba totoo to?😁😁 nag tanong lng po kase 😁😁
ron_nette ron_nette Oct 28, 2016
looking forward po talaga sa book 2 ng Anna Marga Rita. keep it up po! :*
inume18 inume18 May 16, 2016
Hi author isa ako s sumabaybay ng ana marga rita...at mkkaasa k n susubaybyn ko pa ang iba mo png mga storya...at god bless s mga ggwin mo png storya...
RyanMines RyanMines Mar 24, 2016
hello po, sana po basahin nyo po yung story ko the extra one po yung title, salamat po sa magbabasa at buboto!!!
MireanneYdn MireanneYdn Jan 18, 2016
aabangan ko to ;)) sure maganda nanamn to ang galing nyo po ms. ajeomma idol ko na po kyo :))
AngelicaSalvacion7 AngelicaSalvacion7 Jan 17, 2016
Excited nako dito kc super favorite k ang ann marga rita.parang part 2 nya itong babaeng mental