Anghel sa Lupa

Anghel sa Lupa

56.1K Reads 1.5K Votes 13 Part Story
Marie Rose Reid By RosarioTheGoddess Completed

"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko."

Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pinagtatrabahuhan niya ang isa sa pinakamalaking ospital sa Asia. Hindi rin biro ang sahod doon. Sa totoo nga marami ang gustong makapasok sa naturang ospital pero pili lang ang nakakapasok na manggagawa doon.

"Sarah Joy, pinagkakatiwala ko sa iyo si Brett. Matalik na kaibigan ko yan. Pakialagaan siyang mabuti." pakiusap ng boss niyang si Dr. Fidel.

Nagulat siya nang makita ang isang gwapong lalaking nakaratay sa hospital bed. Ayon sa boss niya ay kasalukuyan itong comatose dahil sa aksidenteng pag-crash ng sinasakyan nitong helicopter.

Habang dumaraan ang mga araw ay narealize niyang nahuhulog na pala ang loob niya rito. Hanggang sa isang araw, dumating ang sarili niyang bangungot.. sa katauhan ng isang babaeng nag-claim na fiancée nito..

No comments listed yet.