Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)

547K Reads 37.9K Votes 63 Part Story
John Policarpio By JohnPolicarpio Updated Jun 14

Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. 
  
  Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. 
  
  Nakakapressure ba? Wala pa yan.
  
  Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. 
  
  Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh.
  
  Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila.
  
  And to promote world peace nga pala.
  
  Rakenrol!

  • adventure
  • aswang
  • comedy
  • historical
  • horror
  • kakaibangstory
  • mythological
  • teen
  • wattys2016
kevin014 kevin014 Dec 31, 2017
Naadik na ako sa mga translated novels pero i think ngayon mapapabasa mo ulit ako ng tagalog.
Medusisa Medusisa Apr 16
Mamahalin ko 'tong story na 'to! Ganitong stories ang hinahanap koooo!!😍❤
parang ako lang gusto ko malaman lahat yang mga misteryo na yan hhaaha
SymonLoco SymonLoco Jan 14
Shet lang. Ilang days na akong walang tulogggg tas ganito pang storya ang sasalubong sakin. Nakakaadikk!
one_OK_rock one_OK_rock Apr 28
Love ko na agad to kahit ko pa nasisimulan mukhang maganda nga (*¯︶¯*)
jmiaken16 jmiaken16 Dec 27, 2017
Yes! Buhay pa ako! 😂 Grabe akala no mauubusan na ako ng dugo 😂 Buti natigil.. Anyway! So far, so good! I like the way your choice of words na madaling pumasok sa utak ko at BOOM!  Nagtransform into images.  And galung lang!  ❤