NEW: Introducing Tap. Addictive chat stories for your 📲 Now in 10 languages
DOWNLOAD NOW!
Si Milo at ang Kwaderno (To Be Published, Naks)

Si Milo at ang Kwaderno (To Be Published, Naks)

314K Reads 23.7K Votes 55 Part Story
John Policarpio By JohnPolicarpio Updated Mar 01

Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. 
  
  Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. 
  
  Nakakapressure ba? Wala pa yan.
  
  Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. 
  
  Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh.
  
  Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila.
  
  And to promote world peace nga pala.
  
  Rakenrol!

TripletsX TripletsX Jan 03
Grabe napamura ako sa ganda woohoo o prologue pa lang pamatay na idol na kita :D
AdrianManalo AdrianManalo Sep 09, 2016
pleaaaaaseeeeeeeeee!!! pakibilisan ang updated taeng tae na kong mabasa pa yung next chapter !!!
ElilorCTD ElilorCTD Jan 11
Eto yun ei... Yung binasa ko ulit s umpisa kc tagal mg update..dito tlga ako nkaramdam ng kaba at excitement... From the top ulit hehehe
GIRLof1000GeneratioN GIRLof1000GeneratioN Oct 24, 2016
Cool naman neto!! Sana maapreciate to lahat ng wattpad readers.. Guys sana ganito basahin ninyo.. ipromote natin ang ang kwentong tagalog na fantasy.. lagi kasing romance nakikita kong libro sa mga bookstore.. which is nakakasawa.. (bitter te) I dig stories like this.. keep going mr. Author 😊😊
elchunnax elchunnax Jan 18
Hi! Nga pala sa mga reader na naghihintay ng UD at pumadpad muli dito para basahin ang simula haha
LightNexuS LightNexuS Nov 29, 2016
Tuwang tuwa po ako sa istorya nyo. Minsan nga ginaya ko pa ung pagsuntok ni milo sa panga ng kalaban dahil lang sa kilig nya kay makie pati ung aksyon nya sa kali.