Hi Soulmate (COMPLETED)

Hi Soulmate (COMPLETED)

83.1K Reads 2.8K Votes 24 Part Story
Kenneth Agnes By georgerabie Completed



Enzos point of view

Kahit anong suklay ko sa buhok ko , wala pa ring nagbabago. Sinubukan kong ngumiti pero lalong nakasama.

Alam  ko hindi maputi at pantay ang mga ngipin ko. Di gaya ng iba dyan, maputi, chinito, may makinis  na balat at higit sa lahat gwapo.

Napabuntong hininga na lang ako sa harap ng salamin at bigla kong tinanong ang sarili ko " may tatanggap kaya at magmamahal sakin?" 

Biglang may kumatok sa pinto.




"Anak, Enzo bumaba ka na at mag almusal" si nanay.

Napatingin ako sa relo, alas sais na pala ng umaga.




"opo nay, susunod na po ako"




Nang bumaba ako ay nakita kong nag aantay sila nanay at tatay tsaka ang makulit kong kapatid na si Alfred.




"oh hindi yata maganda ang gising ng anak ko?" tanong ni tatay.

Tumingin muna ako kay nanay at tatay tsaka kumuha ng sinangag "anak bakit? Masama ba pa pakiramdam mo?" nakita ko na nag aalala si nanay base sa kanyang reaksyon.




"Nay? Tay? May magkakagusto kaya sakin?"




"anak naman, akala ko sasabihin mo b...

Cooljudge7143 Cooljudge7143 Oct 28, 2015
natawa ako sa tatay ni enzo . sana ganyan din ang tatay ko . hays! :) :(
BabyNoche BabyNoche Sep 16, 2015
umpisa palang di na magulo basahin, looking forward for this ^___^
                              feel ko si Enzo :(