Laging Naroon Ka

Laging Naroon Ka

24.3K Reads 709 Votes 16 Part Story
mydearwriter By mydearwriter Completed

Published by Bookware, 2011

Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibigan. At kahit nasaktan pa siya noong nagkahiwalay sila fifteen years ago, hindi niyon kayang burahin ang kanilang magandang pinagsamahan. Mayroon silang sariling mundo, at hindi niya kayang buksan iyon o i-share sa ibang tao—kahit sa sarili niyang boyfriend.

     At ngayong muli silang nagkita at parang hindi na ito ang JR na kilala niya noon, sa dami ng sinesekreto nito sa kanya, hindi niya ito kayang tanggihan. Ganoon kaimportante ang kaibigan para kay Allie.

     O kaibigan lang nga ba? Bakit pati mga halik ng binata hindi niya rin matanggihan?

Yashieeeee Yashieeeee Jun 05, 2015
BAKIT SI DENVER NAAALALA KO?! AJUJUJU. PERO, MAS MATANGKAD SI DENVER. PERO, MAS BATA SI JR. AT NANDITO TALAGA AKO AH. NANCY! HAHAHAHAHA