Loving The Mobster Princess (Completed)

Loving The Mobster Princess (Completed)

15.4K Reads 502 Votes 12 Part Story
margarette ace By margarette_ace Completed

Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na ang papalit sa posisyon ng lolo niya bilang leader ng isang underground organization na Black Lotus. Tatlong buwan na lang ang natitira bago sumapit ang nalalapit niyang kaarawan. Nakahanda na siya sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng posisyong iyon pero mukhang may ibang balak sa kanya ang tadhana.

One fateful night she saw the man of her dreams. Dahil likas na mahilig sa fairytales ay hindi niya napigilang pagmasdan ang lalaki mula sa malayo.  Unang kita pa lang niya dito habang ipinagtatanggol nito ang isang babae ay nakuha na nito ang atensiyon niya.  He was like a knight in shining armor ready to slay the dragon just to save the princess. Ipinahanap niya ang lalaki na nalaman niyang Clarence ang pangalan.

Ginawa niya ang lahat para mapalapit kay Clarence to the point ng pinakiusapan pa niya ang abuelo na i-transfer siya sa St. Rudolph University kung saan nag-aaral ang binata. Hindi niya ito tinitigilan kahit na laging tablado ang kagandahan niya sa kasungitan nito. Kung kailan naman nawawalan na siya ng pag-asa ay tsaka naman nagbago ang ihip ng hangin. Parang ngumiti ang langit sa kanya ng unti-unti nang lumambot ang puso ni Clarence sa kanya. And just when she thought that everything were right on place, her past came to hunt her. Muntik pang mapahamak si Clarence dahil sa kanya. 

May pag-asa pa kayang magkaroon ng happy ending ang istorya nila ni Clarence, kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila? At matanggap kaya siya nito kapag nalaman nito ang tungkol sa pagkatao niya?

MarNelLii MarNelLii Aug 02
black lutos hmm connected kay keith to author? keith na boss ni benedict? 🤔🤔😁😁 tama ba