MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)

40.3K Reads 803 Votes 22 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

Isang fashion show na naman ang nagaganap. Syempre,iyon ang ang fashion show ng DESPERADA'S BOTIQUE. Na pinamamahalaan ng tatlong matalik na magkakaibigan. Sina Arbie,Cristine at Len. Hindi magkamayaw ang tatlo sa pag-iistima sa kanilang mga bisita. Talagang umaarangkada ang kanilang botique nitong nakaraang dalawang taon.

" Arbie,hindi ba pupunta dito si Geoff? ",ang pabulong na tanong ni Cristine sa kaibigan.

" Pupunta yun! Pektus yun sa akin kapag namiss n'ya ang show na ito! ',ang nakalabing wika ni Arbie. Boyfriend ni Arbie si Geoff.

" S'ya iayos mo yang nguso mo. And'yan na prince charming mo. ",ang wika naman ni Len,sabay nguso sa entrance. Papasok nga ang gwapong-gwapong si Geoff. Sinalubong na agad ito ni Arbie.

" Konti na lang malelate kana! pektus ka talaga sa akin! ",ang wika ni Arbie ng makalapit sa nobyo.

" Kiss lang ang katapat ng tampo mo. ",ang nakangiting wika ni Geoff,walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang ng nobya at siniil ng halik sa harap ng maraming tao...

No comments listed yet.