I  Love You, Now Rest In Peace

I Love You, Now Rest In Peace

9.9K Reads 152 Votes 3 Part Story
Unang Romantiko By unangromantiko Updated Apr 20, 2016

Na aksidente ang mag nobyong si MJ at William isang hapon.  Matapos  madala sa ospital, nagising nalang si MJ  na nasa private room na siya nakaratay. Isang masakit na balita ang nalaman ni MJ mula sa inang si Manang Lily. Hindi naka survive si William at Dead on Arrival ito nung dinala sa emergency room. Sobrang hinagpis ang naramdaman ng dalaga. Walang tigil ang pag iyak at hagulhol nito.

 Isang gabi, nagising si MJ na medyo madilim ang kanyang kwarto. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. "Pasok", sambit ng dalaga. Halos hindi makahinga ang dalaga sa nakita. Magka halong gulat, takot at saya ang kanyang naramdaman. Mas bumilis ang tibok ng kanyang puso habang papalapit ang lalaki sa kina hihigaan niya. "Mahal, kamusta kana?", mahinang tanong ni William sa girlfriend. Napatili ng kaunti si MJ nung hawakan ni William ang kanyang kamay. Malamig ang mga kamay nito at may mga dugo pa ang braso at  mukha. 

"Hindi, patay ka na, Patay ka na William.",sabi ng dalaga sa boyfriend. "Sabi ni mama, Dead on Arrival ka nung dinala ang katawan mo sa emergency room", patuloy ni MJ.  Sumagot si William, "tama nga ang mama Lily mo mahal ko, DOA ako nung nasa ER ako pero ang hindi alam ni tita Lily, na revive ako ng mga doktor". "Hindi! hindi! Patay ka na William! Alam ko kung ano sinabi ng mama ko! Patay kana!", sigaw ng dalaga. Bumukas ang pinto, pumasok ang isang nurse. "Baka pwede pong hinaan ang mga boses nyo mam at ser, kasi tulog na ang ibang mga pasyente",sabi nung nurse. "Kung patay ba ako,makikita ba ako nung nurse?",tanong ni William sa nobya.

Buhay ba talaga si William o isa na itong kaluluwa? Pero bakit nakita pa siya nung isang nurse? Siguradong sigurado si Manang Lily na namatay na si William. Magkikita ba si Manang Lily at William? Malalaman din kaya ni MJ ang katotohanan? Una, ang katotohanan na pilit itinatago ng mama niya. Pangalawa, ang katotohanan tungkol kay William at ang tunay na rason kung bakit nangyayari ang mga ito ngayon mula nung sila'y aksidente.

Budingmylove Budingmylove Apr 10, 2016
Why so mean author? Huhu. Please updaaaaate. Ilove your storrrry. uD pleaseeeeu~
lhadidiva lhadidiva Apr 11, 2016
Galing! Sa fb ko po nabasa ng una. Isa po ako sa umaasa na sana po eh mag ka ud.. Tnx po..
JoleneRodico JoleneRodico Apr 22, 2016
Kingina di ako makatulog dahil dito wooh! Updaaaaaaate please :')
unangromantiko unangromantiko Apr 11, 2016
thanks for liking the story! the rest of chapter 2 will be publish anytime this month. have a great night!
Venjktieee17 Venjktieee17 Apr 09, 2016
Yaaaay! 😍😍😍 Aabangan ko talaga bawat update neto! Geez. First Horror Story na mababasa ko to..
unangromantiko unangromantiko Apr 12, 2016
full chapter ū2 anytime this month. i hope youll love the revelations in chap 2.  watch out then for chap 3