ARGON (THE PLAYBOY) (Book 2: THE PENNTHAGON AGENT) Written by: Lorie (Complete)

ARGON (THE PLAYBOY) (Book 2: THE PENNTHAGON AGENT) Written by: Lorie (Complete)

78.9K Reads 1.1K Votes 28 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

Masaya na ngayon si Penny sa piling ng asawa't anak, nakapagtapos na din ang nag-iisa niyang kapatid na si Janice sa pag-aaral, hindi na muna niya ito pinayagan na maghanap ng trabaho para makapagpahinga sa apat na taong ginugol nito sa kolehiyo.

Kasalukuyan siyang nagkakape sa balkonahe ng lapitan siya ni Janice.

" Ang pogi talaga ni kuya!" panimula ni Janice.

" Matagal ko ng alam 'yan bunso." ngiting sagot naman nito.

" Asus! Naniwala naman si kuya sa sinabi ko." biro ni Janice.

" May kaylangan ka ano? Alam ko style mo bunso." tawang saad ni Penny.

"Sige na nga, sasabihin ko na." ngiting sagot ng dalaga.

" Ano ba 'yon?" tanong ni Penny na nakatuon ang pansin sa hawak na folder.

" Ya, maghahanap na po sana ako ng trabaho, payagan mo na ako." saad ng dalaga.

Tiningnan naman ito ng seryoso ni Penny, inaarok niya kong hindi ba ito nagbibiro.

" Sigurado ka na ba diyan?" tanong niya.

" Oo naman ya, dalawang taon na akong tambay, para naman po magamit ang pinag-aralan ko." ngitin...

CristalVyethVillaflo CristalVyethVillaflo Aug 06, 2015
Aq din  asan po ung ky nathan na story....ganda pa man din....