KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)

29.8K Reads 626 Votes 18 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

"Camela, anak? Gising!" sabay sampal sa batang binangungot.

"Mama? " ang umiiyak na bangon ni Camela.

"Nanaginip ka na naman anak." ang nag-alalang ina.

"Opo mama, at ganoon parin, isang umaapoy na sasakyan at may tao sa loob na humihingi ng tulong." Halos kabisado na ni Lot ang kasunod ng panaginip ng anak dahil mula ng matagpuan nila ito ng asawa ay gabi-gabi na itong nanaginip.

"Baka, napagod ka lang sa eskwelahan kaya nanaginip ka." sabay abot ng isang basong tubig sa bata.

Sa gulang na labing-isa ay napakabait niya, masunurin at wala silang pinagsisihan na inampon ang bata.

Inisip nila na kapalit ng anak nila na namatay, at dahil sa nasaksihan nila na insidenting iyon ay umalis sila sa naturang lugar at lumipat sa isang probinsya at doon na sila nanirahan.

Doon nila pinalaki si Camela. At dahil lumalago na rin ang kanilang negosyo ay kailangan nilang bumalik sa Maynila.

Bumalik sila sa kanilang bahay at doon na siya nagdalaga

Makalipas ang sampong taon ay ganap ng dalaga ...

    No comments listed yet.