IKA'Y MAHAL PA RIN written by: sheng (Complete)

IKA'Y MAHAL PA RIN written by: sheng (Complete)

27.6K Reads 663 Votes 17 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

"Maricel, luga!" ang sigaw ng mga bata.
"Wala naman akong luga ah!" ang ganting sigaw niya sa pagitan ng pag-iyak.

Marami ang naiinggit na mga batang babae sa kanya. Siya kasi ay naiiba sa mga karaniwang batang babae. Kahit pitong taong gulang pa lamang siya ay kakikitaan na ito ng kagandahan. Straight ang mahabang buhok na kasing kasing itim ng gabi, na bumagay sa kanyang maamong mukha at makipot na bibig.

Nakatira sila sa bundok na malalayo ang kapit-bahay, wala siyang makalaro na bata dahil inaaway siya.

Nangangaso ang kanyang ama, kapag tapos na ang pagtatanim sa kanilang maliit na sakahan na puno ng sari-saring pananim na siya nilang binibinta sa bayan.

Nag-iisa siyang anak, at pumapasok sa bayan kahit malayo ay masipag siyang mag-aral, hindi siya nakaramdam ng pagod. Masaya silang namumuhay.

No comments listed yet.