THE BRAVE GIRL by; Zaiffer (Complete)

THE BRAVE GIRL by; Zaiffer (Complete)

41.2K Reads 580 Votes 27 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

Patakbong lumabas ng bahay ang isang dalaga at tinalon nito ang tarangkahan na kahoy na pinakang gate nila.

"Kasalanan mo ito alarm clock, kapag na-late ako sa trabaho ko humanda ka sa akin sa pagbalik ko. Dudurogin kita ng pino!" gigil na saad ni Michelle na tila ba kaharap ang sinasabing alarm clock.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagtakbo ng may tumawag sa kaniya.

"Ate...."

Nilingon niya ang sumisigaw habang tumatakbo palabas sa kanilang eskinita. Hindi niya napansin ang taong makakasalubong niya. Parehong natumba ang dalawa,

"Ouch! Ano ba hindi ka ba marunong tumabi? Alam mo na may dumadaan, pahara-hara ka diyan." inis na wika ni Michelle na mabilis na tumayo at ipinagpag ang suot.

"Excuse me, Miss! Ikaw itong nakabangga sa akin, hindi mo ba nakikita na nasa tabi na ako?" sagot naman ng nabangga ni Michelle.

Naningkit ang dalawang mata ng dalaga, tinitigan nito ang kaharap. Isang mestisong lalake at naka-amerikana ito ng suot. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalake habang nakapam...

No comments listed yet.