The Invisible Line Between Us
16 parts Ongoing I'm just a simple girl. Nagtatrabaho bilang isang katulong upang matustusan ang pangangailangan ng aking mga kapatid, lalo na't wala na kaming mga magulang na maaasahan. Ngunit isang araw, binago ni Ma'am Roella ang aking tungkulin. Imbes na maglinis at maglaba, ginawa niya akong personal assistant ng kanyang anak si Azriel Lee Dawson.
Si Azriel... isang masungit pero napakagwapong lalaki. Laging seryoso, laging tahimik ngunit may mga sandaling hindi ko alam kung inisin ba niya ako o sadyang gusto niya lang akong pansinin. Palagi niya akong binibiro, pinapagalitan sa maliliit na bagay, pero sa bawat tingin at paglapit niya, tila ba unti-unti niyang binubuksan ang puso ko.
I don't know if he knows or if he feels the same but each day, I find myself falling deeper for him.
But there's one question that haunts me every night...
Mamahalin niya rin ba ako? Kahit isa lang akong assistant niya? Kahit wala na akong magulang at wala akong kayamanan na maiaalay?
Kaya niya rin bang suklian ang pagmamahal ko, na kahit tahimik ay totoo't wagas?