Krisian Princess "The Battle of Four Empires"

Krisian Princess "The Battle of Four Empires"

59K Reads 3.7K Votes 60 Part Story
Myra Ocampo By Myra1493 Updated Sep 16

♦WATTYS 2016 WINNER♦
HIGHEST RANKING: #1 in Historical Fiction 
          
          Ang alitan ng apat na imperyo ng Atlanta, na nanahimik at natulog sa napakahabang panahon ay muling nagising nang patayin ni Kristine ang sarili niyang kapatid. Kilala sa pagiging malupit na emperador ng Kris ang kanyang ama. At maging siya na sariling anak ay hindi nakaligtas sa kaparusahang ipinapataw sa sino mang nagkasala sa batas. 
          
          Ngunit ang parusang ipinataw ng emperador sa kanya ay ang pagpapakasal sa isa sa mga prinsipe ng tatlong kalabang imperyo. Hindi lamang ito isang kaparusahan kundi isang napakalaking obligasyon. 
  
         Sa mga kamay niya nakasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng buong imperyo ng Kris. At kapag nagkamali siya sa pagpili ng mapapangasawa ay tiyak itong ikababagsak ng kanilang kaharian.
      
          Ngunit kung mapagtagumpayan naman niya ito ay hihiranging konsorte ang kanyang mapapangasawa, at ang kanilang magiging anak ay ang siyang tiyak na susunod na emperador.
          
          Ngunit paano nga ba niya ito mapapagtagumpayan kung ang lahat ng imperyong iyon ay hangad ang kanilang pagbagsak? Ano nga ba ang totoong dahilan at pinatay niya ang sariling kapatid? May magagawa pa kaya ang prinsesa upang maitama ang mga nagawang pagkakamali?

Myra1493 Myra1493 Nov 05, 2016
@Felicity_Alvarez maraming salamat po sa vote! Sana po magustuhan mo..
Myra1493 Myra1493 Sep 22, 2016
@NovelynLucresia 🙋 maraming salamat sa vote at sa pag-add ng Krisian Princess sa reading list mo. Love lots!😍 enjoy reading!
MeasMrNiceGuy MeasMrNiceGuy Oct 02, 2016
Nalula ako sa history. Grabe lang! Umpisa pa lang parang intense ang labanang ito. Hindi lang basta-basta. Ay ewan. Mahuhukay yata at ma-rere
Myra1493 Myra1493 Aug 28, 2016
Thanks for voting dear @BitterSweetGurrrl 😘 hope u enjoy!
JaNaHWorXx JaNaHWorXx Aug 20, 2016
Ai grabe. Mas matindi ito. Mukhang Mejo matatalino ang mga Tao rito pagdating sa medisina. Un nga lang kapag nagka giyera at armas sa armas ang labanan... Lugi sila. Dahil yan Lang ang magiging sandata nila..
PyrrhaIsBae PyrrhaIsBae Oct 24, 2016
Type ko yung mga ganitong Tagalog na historical novels 😍😍😍😍😘😘😘