NEW: Introducing Tap. Addictive chat stories for your 📲 Now in 10 languages
DOWNLOAD NOW!
Stolen Innocence

Stolen Innocence

24.8K Reads 720 Votes 56 Part Story
Thwinkxx By Thwinkxx Updated Nov 15, 2016

Halos mapugto na ang aking hininga dahil sa katatakbo. Ayaw kong gawin iyon pero gusto ko ng tigilan ang kababuyang ginagawa sa akin ng aking tiyuhin. 


 
Patawarin nyo po ako, gusto ko lang iligtas ang aking sarili. 


 
Iyan ang paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili habang patuloy sa pagtakbo. 


 
Ayaw na ayaw ko talagang naiiwan ako sa bahay lalo na at kasama ko ang aking tiyuhin. Kung noon ay mas gusto kong umaalis sina Auntie Isabelle sa bahay para kahit papaano ay naipapahinga ko ang katawan ko dahil sa mga utos nilang mag ina. Pero simula ng mag asawa ng bago si Auntie ay natatakot na ako kapag aalis sila ng anak nyang si Andrea, lalo pa at kaming dalawa lang ni Uncle Milan ang maiiwan sa bahay. 


 
Lumakas agad ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang kalabog ng pintuan mula sa sala. 


 
Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga kasangkapang ginamit ko sa pagluluto. Mag aalas syete na ng gabi ay wala pa rin sina Auntie. 


 
Agad kong binilisan ang paghuhugas ko para makapaso...

No comments listed yet.