ANG PAGHUHUKOM isinalin ni lualhati bautista

ANG PAGHUHUKOM isinalin ni lualhati bautista

1 Part Story 36.4K Reads 105 Votes
filipino101 By filipino101 Updated Jan 08, 2013

ANG PAGHUHUKOM
    
    
    
    
    
    
    
    (Bahagi ng Nobela)
    
    Isinalin ni Lualhati Bautista
    
    
    
    
    
    Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.
    
    
    
    Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon...
    
    
    
    Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ngbalsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi'y patuloy na dumarating kay Fak...
    
    
    
    Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom...

AlvenPulla AlvenPulla Nov 04, 2013 10:37AM
hehe gani2  lng po un kung nd neu ma copy try neu 2. . .
                                    *right click
                                    *click print
                                    *ska pede neu na i-copy s MSword o notepad