TAINTING HER INNOCENCE (R18+)

TAINTING HER INNOCENCE (R18+)

  • WpView
    Reads 44,914
  • WpVote
    Votes 919
  • WpPart
    Parts 35
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Wed, Sep 9, 2026
WpInfo
Fiction
Romance
Enemies to Lovers
Romantic Comedy
Happy Ending
Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo. Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya. Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong itinakip sa ilong at bibig niya na mayroong kakaibang amoy. Nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya. Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • LIHIM NI KIKO [M2M]
  • (Free) Finally Found You (Tagalog)
  • White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|
  • [Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To Love
  • FAMILIA YBAÑEZ: Familia Lujuriosa 1
  • The Unforgettable Mistake
  • You Are My Everything
  • The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ]
  • Sei Mio, Amore Mio

🔞THIS STORY IS RATED 18. MINORS ARE STRICTLY NOT ALLOWED TO PROCEED🔞 PAPA SERIES #2: LIHIM NI KIKO Simple. Payak. Payapa. Iyan ang buhay ng Pamilya Gregorio na nakatira sa isang liblib na barangay sa probinsya. Hindi man nabiyayaan ng marangya o modernong pamumuhay ay busog na busog naman sa pagmamahal at malasakit sa isa't-isa ang mga ito. Wala nang ibang mahihiling pa ang mag-asawang Gregorio sa panganay na anak na si Kiko. Mabait, masipag, masunurin, at isang honor student pa. Swerte ang dalawa sa binatang anak. Ngunit ang hindi nila alam ay mayroon itong sikretong itinatago sa kanila. Walang sinuman ang nakakaalam sa lihim nito. Isang lihim na hindi nila inaasahan.

More details
WpActionLinkContent Guidelines