The Vampire Boss [COMPLETED]

The Vampire Boss [COMPLETED]

52.5K Reads 1.3K Votes 22 Part Story
Jung JinHee By wldsxym Completed

Nag lalakad ako sa isang madilim na pasilyo ng maramdaman ko na parang may sumusunod sakin. Tumingin ako sa likod ko, pero wala ako nakita. Pinag patuloy ko nalang ang pag lalakad ko.

Maya-maya narinig ko nanaman ang mga yapak ng isang tao. Hindi na ko nag dalawang isip pa na tumakbo!! Habang tumatakbo ako, nararamdaman ko na papalapit ng papalapit yun.

Sa sobrang bilis ko, hindi ko namalayan na may bato sa paanan ko at bigla ako natumba. Pag tingin ko sa aking unahan, nakita ko ang isang anino ng lalaki. Hindi ito pwedeng maging sa babae dahil sa kanyang tindig.

Tinignan ko sya ng dahan-dahan. Hindi ko makita ang muka nya ng dahil sa dilim. Unti-unti syang lumapit sakin. Wala ako magawa kundi hintayin ang susunod pa na mangyayari. 

Alam ko na madilim, pero ramdam ko na malapit ang muka nya sakin. Nararamdaman ko ang mainit na hininga nya. Maya-maya, bigla nag laho ang mainit na hangin at biglang umilaw ang ilaw sa daan.

Laking gulat ko na wala ni isang tao sa harap ko. Tumayo ako...

No comments listed yet.