NEW: Introducing Tap. Addictive chat stories for your 📲 Now in 10 languages
DOWNLOAD NOW!
Emmanuel

Emmanuel

6.2K Reads 56 Votes 4 Part Story
SenseiKert By EltamKertPalarca Updated Apr 07, 2015

Inis na inis si Sarhento Espinosa nang pumasok muli ito sa kuwarto nilang mag-asawa upang kunin ang Master Key ng buong bahay dahil ilang minuto na niyang kinakatok ang pintuan ng kuwarto ng kaniyang nag-iisang anak na si Jojo ngunit hindi pa din ito magising-gising.

Second Year College na itong si Jojo at kumukuha ng Nursing sa isang kilalang Unibersidad sa Maynila. Sinamantala nitong si Jojo ang bakasyon upang makabawi ng tulog dahil noong pasuka'y napakaaga ng Schedule nito sa Eskuwelahan.


"HOY! GUMISING KA NA NGA D'YAN!!!" Ang galit na sigaw ni Sarhento sa kaniyang anak.


Napasimangot na lamang itong si Sarhento nang hindi pa din nagising ang kaniyang anak sa kaniyang pagbulahaw.


"Nak ng teteng naman... JOJO!!! GUMISING KA NA!!!" Ang muling binanggit ni Sarhento habang niyuyugyog nito ang nakaBrief lang niyang anak. Nasanay na kasi itong si Jojong matulog na nakaBrief lamang.


"Uuuhhmmm... Daddy naman... Wala namang pasok..." Ang ungol naman ni Jojo sabay talukbong niya ng k...

No comments listed yet.