Alam ni Ouiela sa kaniyang sarili na ang mahalin siya ay isang napakalaking pagkakamali. Dahil kahit pagbali-baliktarin pa man ang mundo, falling inlove to a relative is incest. Hinding hindi niya dudungisan ang pamilya nila. Hindi-hindi niya sisirain ang magandang ugnayan ng kamag-anakan nila. At mas lalong hindi siya "magpapakabaliw" para lang sa kung sinong itinitibok ng puso niya. Mas pipiliin niyang masaktan na lang. If that means protecting his family's dignity and hers as well. Not until, nadiskubre niya ang isang sekreto sa buo niyang pagkatao...