"Since the night I saw you in that place, I know you are the one for me. So since then, I promised myself to love and protect you. I will cherish you for the rest of our lives. Thank you so much for coming into my life, Solana."
Breadwinner, tumayong nanay at tatay sa dalawa niyang nakababatang kapatid. Estudyante sa umaga, at dancer naman sa club sa gabi. Solana Marinduque is just 24 years of age, pero lahat ng responsibilidad sa buhay ay nakaatang na sa kaniyang mga balikat simula no'ng araw na magkahiwalay ang mga magulang nila at pareho silang iniwanan ng mga ito. Lahat handa siyang gawin makapagtapos lamang siya sa pag-aaral upang mabigyan din niya ng maayos na buhay ang kaniyang mga kapatid.
But when she met Rufo Montague, the man who became her customer at the club where she worked, who turned out to be her new professor, biglang nagbago ang takbo ng kaniyang buhay lalo na nang may mabuong pag-ibig sa puso niya para sa kaniyang professor, na seventeen years ang tanda sa kaniya.
Maaari nga kayang magkaroon ng happy ending ang kanilang relasyon gayo'ng may mga taong hindi masaya para sa kanilang dalawa, o isa sa kanila ang susuko at magpaparaya upang walang masaktan sa kanila?
•••••
NOTE: Ang novel po na ito ay may paisa-isa pa na errors. Kung judger at perfectionist ka, huwag mo na ituloy ang pagbabasa. HAHAHAHA Wala pa akong time para palitan ang lahat ng chapters dito ng edited version.
Gracias!
Ang mapagkamaliang hardinero habang nakasuot ng mamahaling amerikana ang pinakamalaking insulto na natanggap ni Mayor Gawen Ildefonso mula sa bagong yaya ng kaniyang anak. Simula no'ng araw na iyon ay hindi na nawala ang kaniyang inis sa dalaga. Gustohin man niya itong paalisin sa trabaho, ngunit hindi niya naman magawa dahil tanging ito lamang ang nakakasundo at nakakapagpatahan sa kaniyang anak na si Emzara.
Pero paano kung sa paglipas ng araw ay hindi lamang pala ang loob ng kaniyang anak ang makuha ng dalaga? Paano kung maging siya man ay mahulog na rin dito at tuluyan itong magkaroon ng puwang sa kaniyang puso? Pero paano kung, isang araw ay malaman niyang may connection si Gelaena sa taong pumatay sa ina ni Emzara? Matatanggap niya pa rin ba si Gelaena? Ipagpalatuloy niya pa rin ang pag-ibig para sa dalaga?
***
NOTE!!!
Malapit ng matapos ang story na ito sa kabilang app. Baka kasi may magreklamo na naman dito na marami akong ongoing stories na ginagawa at hindi ko muna tapusin ang isa 😂 chill lang, Langga. Pinipilit ko naman na maging active ulit ako rito.