#VolleyballSeries2 He stole my first kiss! Atasha and Simon used to be enemies. Wala sa personalidad ni Atasha ang makipagtalo sa mga katulad ni Simon pero hindi niya mapigilan ang sariling patulan ito. Dahil dun ay inasar sila ng kanilang mga schoolmates at sa hindi inaasahang pagkakataon sila ay naging highschool lovers. Halos naging ideal couple rin ang dalawa ngunit nagtaka ang lahat nang biglang umalis si Simon at hindi na muling nagpakita o nakipag-usap kay Atasha. Dalawang taon ang lumipas at nakapasok si Atasha sa prestihiyosong unibersidad na Venusville University. Una nang lumapit sa kanya ang VU upang kuhanin siyang player ng kanilang Volleyball Team. Pumayag naman si Atasha pero nais niya pa ring magtake ng entrance exam upang masabi niyang deserving siyang mag-aral sa university na ito. Maganda ang salubong sa kanya ng buong Volleyball Team pero hindi niya inaasahang makikita niyang muli ang lalaking dumurog sa puso niya dalawang taon ang lumipas at kabilang ito sa Men's Volleyball Team ng Venusville University. "Simon..."