"Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso koNaghihintay lamang sa iyo .... "
" Ano nga bang meron siya na sa akin ay di mo makita? "
Her lips were silently singing the song,
while her attention was directed on the couple who were
dancing slow music while their bodies
and faces were close like zero inch.
At nasasaktan siya.
Kahit anong tanggi niya at pan dedeadma niya,
kelangan na niyang aminin na nasasaktan siya.
Kung hindi ba naman siya tanga at nuknukang bobo,
tama bang pumayag siyang walang kapararakang
makipag sex sa isang lalaking di naman niya boyfriend?
She just wanted that evening to be their last.
They enjoyed it.
Infact, enjoying it was so understatement.
It was her greatest sex ever and forever.
Nangako siya, sa ngalan ng mga ninuno niya,
huwag lang siyang tamaan ng
lintik at mabuntis siya, huli na iyon.
Tama, hindi na iyon dapat masundan.
Ngunit ang isang gabi ay nasundan pa ng pangalawa.
Pumangatlo pa. Hindi pa nakuntento, umapat pa.
Feeling nga niya, araw araw na?
Araw araw na silang nag sesex.
But like any normal FUBU stories,
naiintindihan niya kung ano at saan siya lulugar sa
buhay ni Lebanon.
Sa wala.Nada.
Nothing. Waler. Zero.
" Narito lang ako, kasama mo buong buhay mo.
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan. "
So how come at nakakaramdam siya ng tila heart
attack na ikaka commatose niya ata,
ngayon na me pinakilala itong girlfriend at sa party
pa ng birthday ng CEO ng Rainbow Inc.?
Kapal ng mukha.
Ang manhid ng hayup.
Di makaramdam ang hitad.
Ladies and Gents, ito po ang alamat ng isang
humaharot na third party.
Ang Landi. Napala mo.
Warning. Wag tularan.
"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito.
"Wala pa nga."
"Pero nagka crush ka man lang ba?"
"Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko. Kasi. Ewan. Hindi ko alam kung paano i-explain." ang complicated talaga kapag hindi mo masabi 'yung nais mong sabihin no? 'Yung parang ikaw lang mismo ang nakakaintindi.
"Parang hindi ka naniniwala?"
"Parang gano'n na nga. I mean, alam mo naniniwala naman talaga ako, it's just that, syempre sa mga kagaya ko parang ang imposible lang ng idea na 'yan especially when if comes to same sex relationship. Siguro para sa iba ay nagwo-work pero sa'kin ay-you know, hopeless ako riyan. Kaya kapag may nakikita akong mga same sex couples ay naiinggit ako tapos ang ending mag i-imagine ako ng mga bagay na mag c-cause ng ikasasakit ko ng feelings ko kasi 'di ba marerealize mo na hindi naman ito sa'yo mangyayari. Minsan din ay na i-insecure na lang ako. Tsaka mostly rin kasi ay puro sex lang ang habol nila. Ayoko naman no'n." mahaba kong salaysay.
"Kaya pala." nasabi niya na lang.
"Siguro dahil ito na rin ang naging coping mechanism ko para maprotektahan ko ang feelings ko sa mga bagay na makasasakit sa akin emotionally. Unconciously ay nadedevelop ko na. Kaya ang ending na suppress na lang. Kaysa naman mag suffer ako sa mga sarili ko lang namang pag-iisip which is not healthy, why not i-suppress ko na lang diba?"
"Pero hindi mo ba naisip na it takes time to wait for the perfect moment and it will be worth it?"
"Alam mo. Sa totoo lang, palagi ko 'yang naiisip. Talagang na o-overshadow lang ng realization ko na imposibleng mangyari."
"Pero, heto ka ngayon. Susubukan mo nang magmahal sa kabila ng beliefs mo." aniya.
"Kasi may tiwala ako sa'yo." napangiti ako sa kanya kaya napangiti rin siya.