Si Baste at ang Tubig sa Bukal

Si Baste at ang Tubig sa Bukal

207K Reads 10.5K Votes 55 Part Story
Ate Doris By ajeomma Completed

"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano,  a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso.

 Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. 

Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang.

Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak.

Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata.

Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang?

Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal?

Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig?

Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba?

Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........


Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

violiza violiza Aug 02, 2015
ngaun ko plng babasahin to.. na curious aq kc my part 3 n pla xa n on-going.. hehe..
                              anyway..prang c ada din pla c baste. kwawa s buhay.. pro npkbaet<3
SingkitMyra17 SingkitMyra17 May 07, 2015
after kong mbsa yung ibng story mo heto naman ☺
                              kawawa naman si baste.
iamjoane iamjoane Apr 24, 2015
kawawa naman c baste hehehe.. hi ate @ajeomma cmulan ko naman to habang waiting kala Geralde at Roberto ;)
ajeomma ajeomma Mar 22, 2015
@JaniceMondejarOngcal , salamat sa pag uumpisang basahin ang story na ito. Sana mag enjoy ka! (*^__^*)
ajeomma ajeomma Feb 27, 2015
@You_bitch98 , salamat sa pag uumpisang basahin ang story ni Baste. sana magustuhan mo.. (*^__^*)
aMAEzonaDragon aMAEzonaDragon Feb 17, 2015
Ang sama naman ng tiyahin ni Baste,itulak ko kaya yun sa tulay..grrr!!