SYPNOSIS Paano kung bigla kang napadpad sa lugar na walang mga babae? Paano kung nalaman ng lahat na ikaw ay babae? Lalo na kung karamihan sa mundong iyon ay sabik na sabik sa isang babae. Dalawampu't tatlong taon na ang nagdaan mula nang maubos ang lahat ng kababaihan sa mundo ng Gaia. Tanging kalalakihan ang natira at paunti na nang paunti ang kanilang populasyon dahil sa hindi balanse nilang mundo. Halos mabaliw ang lahat kakahanap ng babae at ang mga Doktor ay sinubukang gumawa ng imbensyon ng artificial womb ngunit lahat ng eksperimento ay hindi nagtagumpay. Halos libutin na nila ang mundo ngunit wala silang mahanap na babae kaya naisipan nilang gumawa ng xfemale na kung saan ay lahat ng lalaki na gustong mag palit ng kasarian ay mag aanyo bilang isang babae. Nagawa nilang baguhin anyo ng mga ito at nabigyan ng mga dibdib ngunit hindi sapat ang kanilang kaalaman kaya ang kanilang ari na panlalaki ay nanatili. Isang araw ay may babaeng nagmula sa mortal na mundo ang napadpad sa mundo na kung saan ay puro lalaki lamang. Siya ay si Sera Vien Leevetti, edad dalawampu't dalawa. Isang matalinong dalaga na nag-aaral ng medisina. Sa mortal na mundo ay pinag-aagawan siya dahil sa husay at talento na mayroon siya. Kung sa mundo ng mga mortal ay pinag-aagawan siya. Paano na kaya kung mapadpad siya sa mundo na puro lalaki at sabik sa babae. Subaybayan ang paglalakbay ni Sera sa kanyang buhay sa mundo ng Gaia.