Buhay ko man ay 'di sapat

Buhay ko man ay 'di sapat

116K Reads 6.5K Votes 58 Part Story
Ate Doris By ajeomma Completed

#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction

Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. 

"Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin.

Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. 

Napangiti siya.  Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin.

Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. 

Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay.

 Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. 

Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali.

General Fiction/ Drama 
Wattys2015 winner/ Instant Addiction 

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

Ano ba yan author, naiyak naman ako naalala ko si lola ko, na kakamatay lang noong dec , naalala ko tuloy ang mga di kaaya ayang alaala namin noon, mahirap na nga pero mas lalo ka pang pahihirapan ng nasa paligid mo. Galing moh author:)
JDPM30 JDPM30 Sep 17
Naaalala ko yung kwento sa akin ng Papa ko tungkol sa Nanay at mga kapatid niya. Sa sobrang hirap ng buhay noon, yung kaninan lalagyan ng Nanay Cely namin ng mainit na tubig at saka bubudburan ng asin. Ayon na ang tanghalian nila. 😢😢
Nangnang07 Nangnang07 Oct 18
ang  galing  mo ms. Author gumawa ng kwento. .. NakaRelate.. Po   aq lahat ng stories. Mo.
JDPM30 JDPM30 Sep 17
Ang lola talaga gagawin ang lahat para sa mga apo. I miss my Nanay Cely. 😢😢😢
JeSeLLeJorge JeSeLLeJorge Oct 28, 2015
isa n nmn sa mga bbsahin q madam hbng waiting sa ud mu.. :-)
princesswp princesswp Jan 27, 2015
sipag.. 
                              author mukang mGanda itong story na to dmi ko ng sinusubaybayan na story mo..
                              
                              add fren mo sa.fb a chaeldy zeroeight hehe tnx