My Bestfriend's Boyfriend

My Bestfriend's Boyfriend

704K Reads 17.5K Votes 46 Part Story
MJ By hiamenaj18 Completed

"See me at the park. Now"

Halos hindi na ako mapakali sa pag-aayos ng mga gamit ko nang mabasa ko ang mensahe mula sa kanya. Nagmadali na kong makalabas ng university para makasakay agad. Kung dati ay tila may kakaibang saya akong nararamdaman sa tuwing makakatanggap ako ng text galing sa kanya, ngayon ay parang di ko maintindihan pero mukhang kinakabahan ako. 

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na sumalubong sa akin dito sa park. Napabuntong hininga na lamang ako at hinanap ang sadya ko rito. 

Nakatalikod sya ng makita ko, kaya hindi nito napansin na papalapit na ako. "Aidan..."

Nang lumingon sya ay halos manghina ang aking tuhod. Iba talaga ang dating sakin ng lalaking ito. Ang kanyang katangkaran, ang maganda at matipuno nitong katawan na halatang inaalagaan, ang maputi at makinis na balat na nagsusumigaw na isa itong Almeral, ang mayaman at tintingalang pamilya dito sa Pilipinas. Ang mapula at manipis nitong labi na natikman ko nitong nagdaang tatlon...

  • aidan
  • bestfriends
  • love
  • riel
  • sanreal