Gusali Book 7

Gusali Book 7

50.3K Reads 100 Votes 32 Part Story
Mackur By Mackur Updated Nov 05, 2014

Part 3 I Do

Makulimlim, maiitim ang mga ulap at ang simoy ng hangi'y hindi banayad. Ito ang itinakdang araw ng tadhana para sa akin, alam ng sanlibutan na ako'y nagsusumamo sa araw na iyon at nakikiayon sa mga hinagpis ng aking puso. Pero sino nga ba ako upang tumutol sa pag-iisang dibdib ng pinaka-mamahal kong hipag at ng kanyang nobyong si Mulong.

"wow dalagang-dalaga na ang baby natin oh!" wika ng ilang mga kamag-anak ng aking asawa tungkol sa aming anak na taga-bitbit ng bulaklak noong araw na iyon.

Siguro nga ang aming anak ang nagsilbing ngiti ko noong mga oras na iyon. Parang kailan lang sabi nga nila, parang kahapon lang noong nasa sinapupunan pa ng aking maybahay ang aming anak. Na noong pinagbubuntis niya ay nabuo ang isang hindi-ordinaryong pamamaraan. Buntis noon si misis nang imulat niya ang aking kalibugan para sa kanyang kapatid na si Katherine na ngayo'y handa nang lumakad patungo sa altar.

Kung hindi siguro ako pinigilan ng aking asawang si Angel ay mas maiiyak pa ...

No comments listed yet.