Isang "Real-World Superhero" - ito ang bansag ni Cindel sa isang katangi-tanging binatang nakita niyang kinarga ang isang matandang babae na halos gumagapang na sa daan, na nakita din niyang sumagupa ng dalawang hudloom na nambibiktima ng mga inosenteng tao sa paligid. Sa kagustuhang mapalapit sa lalaki ay sumali si Cindel sa isang religious group na binubuo pala ng mga miyembro ng puwersa ng kadiliman. Alamin kung paano umusbong ang ugnayan ng isang mestisang dalaga sa isang binatang walang katulad kung talento at kabayanihan ang pag-uusapan.