Mga Manika ni Lolo

Mga Manika ni Lolo

13.9K Reads 456 Votes 10 Part Story
nanajane431 By nanajane431 Updated Nov 29, 2014

"Lo,wag ka muna pumikit please..."pakiusap ni Annie na handang handa ng umiyak anumang oras.

Ngumiti ang kanyang Lolo,ngiting hindi mo kakakitaan ng lungkot.
"Anneng wag ka na malungkot dito lang si lolo sa tabi mo di naman ako aalis.Proprotektahan kita."paninigurado ng matanda sa kanya.
"Lo naman eh...di ko kaya at saka wag mu naman po akong lokohin ng ganito..."

"Basta tandaan mo..hinding hindi kita pababayaan kahit pa nasa kabilang buhay na ako"wika ng lolo niya




Wala na siyang narinig pa mula sa matanda iyon na siguro ang pamamaalam nito sa kanya.Inaayos niya na ang sarili at inihanda na mga kakailanganin ng kanyang lolo para sa libingan nito.



Wala pa siyang masyadong alam sa buhay, di nya nga alam kung panu niya sisimulan ang lahat ng walang nkaalalay sa kanya.Wala siya ng ginawa kundi ang umiyak ng umiyak simula pa ng pagpanaw ng lolo niya.


Ilang araw na ang nakalipas na di siya kumakain ng tama at di pa sapat ang tulog ng bigla niyang maalala ang binigay ng lolo niya.

No comments listed yet.