Hindi pa siya isinisilang ay nakatakda na siyang maging tagapagmana ng Levetica's empire. Isang bagay kung bakit siya kinaiingitan ng ibang miyembro ng pamilya nila. Isang dahilan kung bakit siya pupursige na mapanatili ang desisyon ng lolo niya. Hanggang saan kaya ang kaya niya? Hanggang kailan kaya niya mapapanatili ang trono sa kaniya? O mas tamang itanong na makukuha nga ba niya ang trono?