RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino

RUBI 2...Paano Supilin ang Lihim na Pag Ibig...by...emalbino

42.1K Reads 909 Votes 17 Part Story
emzalbino143 By Emmz143 Completed

PAANO SUPILIN ANG LIHIM NA PAG IBIG
“ACE”
…RUBI BOOK 2…
BY: EMMZ
TEASER…..

…Mahiwaga ang pag ibig dahil hindi mo ito natuturuan kusang kakatok at titibok sa puso ninuman walang pinipili basta ang madapuan ay tiyak na tatamaan,.. At kung minsan kahit nasa alanganing sitwasyon at lugar ay hindi alintana basta matagpuan ang taong pakay…..
Samahan niyo po akong subaybayan ang buhay pag ibig ni Ace Meneses ang panganay na anak ni Axe Meneses at Rubi del  Sol,..

Nang makapagtapos ng highschool ay ipinasya niyang ipagpatuloy ang kanyang pag aaral sa San Diego California na sinang ayunan naman ng kanyang mga magulang at ng makatapos na siya ay ipinasya niyang bumalik sa kanyang bayang pinagmulan para ipagpatuloy ang sinimulang negosyo ng kanyang ama….

Dahil sa kilala sa larangan ng publiko ang kanilang pamilya sa isang pagtitipon nakilala niya si Yvonne  Martinez  anak ng isang negosyanteng  si  MR.Roman Martinez  kasosyo ng kanyang ama sa WIC O WORLD INTERPRISING COMPANY…
Sa unang tingin palang ay nagkagusto na si Ace sa dalaga ngunit paano niya maipapahayag ang kanyang lihim na pag ibig kung sa una palang ay alam na niyang mayroon nang  mamay ari….

Ipaglalaban ba niya ang kanyang damdamin kahit na ang masasaktan ay isa sa mahal niya sa buhay?...

Paano niya susupilin ang nagsusumigaw niyang damdamin?,…

Hahayaan nalang ba niyang mabilanggo ang kanyang pag ibig  para sa babaeng kanyang itinatangi?....ABANGAN!!!!

No comments listed yet.