Ang Nakaukit sa Puso ay kwento tungkol sa munting pamayanan ng mga mananampalataya ni Kristo sa Citrusville, na magmula ng sila ay naliwanagan, ang Salita ng Diyos ay nakaukit sa puso nila at kanila itong iniingatan kung kaya't iba-ibang bersiyon man ng Kristiyanismo ang kanilang masaksihan, hindi sila katulad sa alon na nadadala ng ihip ng hangin sa iba't ibang direksiyon. Ang aklat na ito'y nahahati sa labingdalawang serye tungkol sa isan-taong buwanang adventure ng mga kabataan sa Citrusville na nagsimula sa buwan ng Oktubre 2018 at natapos sa buwan ng Setyembre 2019. Ang seryeng Kapag Tumabang ang Asin ay nangyari sa buong buwan ng Oktubre. Ito'y pinangungunahan ni Kal Noble, isang baguhan at batang guro sa unibersidad kung saan nagkaroon siya ng isang estudyanteng mas matanda sa kaniya ngunit katulad niya ay lumaking walang ina't ama dahil sa taong tinatawag ng ilang Bible scholars na "sodomites". Bilang isang Kristiyano ay nasubok ang kaniyang pagiging asin ng lupa. Dahil ayon nga sa ebanghelyo ni Lukas 14:34-35 , "Mabuti nga ang asin: datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas." This series is already copyrighted in the Intellectual Property Office of the Philippines by the author. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or person, living or dead, is entirely coincidental.
10 parts