Isang tagong Baryo na hindi sakop ng Gobyerno at Pamahalaan. Isang lihim na Baryo na matagal ng nakatago sa isang liblib na Lugar. Lugar kung saan pinaniniwalaang walang nakakapunta ang nakakalabas pa ng Buhay. Ilan na ang mga naligaw sa lugar na iyon ngunit kataka-takang ni isa ay wala man lang nakakalabas, maging ang mga bangkay ay hindi narin nakikita. Kaya't labis na iniiwasan at kinatatakutan ang nasabing lugar dahil sa Misteryosong nagkukubli rito na hanggang ngayon ay nananatili paring lihim, dala ng katotohanang tila malabong matuklasan. Ngunit paano kung may magkakaibigan ang hindi inaasahang mapapadpad sa lugar na iyon, at dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Makakalabas pa ba sila? O ganon din ang kanilang kahihinatnan sa sinasabing.. Misteryosong lugar. Halina't pasukin at tuklasin kung ano ang makapanindig balahibong Sikreto na matagal ng nakatago sa lugar na tinatawag na.. "Baryo Tiktikan."