Stallion #39:  HANS CERVANTES

Stallion #39: HANS CERVANTES

35.3K Reads 1.5K Votes 16 Part Story
Sonia_Francesca By Sonia_Francesca Updated Jun 29

Nagpatulong si Nissa Jean sa nakita niyang guwapong tagalinis ng CR para hanapin ang opisina ng amo nitong si Icen Villazanta.  Tinulungan naman siya nito kahit na nga asar na asar na siya dahil lahat ng halamang naka-display na nadaanan nila ay 'dinadalaw' muna nito.  Nang hindi na siya makatiis ay nagreklamo na siya rito.

"Nandito na tayo," wika ng lalaki sabay bukas sa pinto ng silid.  "So, what is this business again that you wanted to discuss?"

Agad siyang bumawi.  Agad siyang nagpakabait.  The guy just gave her his sexiest smile.  Mukhang napatawad naman siya kaya masaya siyang inilahad na rito ang kailangan niya rito.  She was already busy demonstrating her cleaning products while kneeling on the floor on her miniskirt and high heels when another guy entered the room.

"O, Hans," wika nito sa lalaking kaharap niya.  "Kanina ka pa ba?  Pasensiya na, na-traffic ako."  Binalingan siya nito.  "Girlfriend mo?"

"Hindi," sagot ni Hans.  H-A-N-S not Icen.  "Kliyente mo."