PANSARILING DISIPLINA

PANSARILING DISIPLINA

1 Part Story 739 Reads 3 Votes
jamiecs By jamiecs Updated Sep 04, 2012

Jari Mei C. Sampang
    
    V-SPED
    
    Paano mo masasabing may sariling disiplina
    
    Yaong isang estud'yante dito sa ating eskwela?
    
    Tiyak na s'ya ay malinis sa katawan at hitsura
    
    Maayos din ang uniform, mga notebook at aklat n'ya.
    
    Hindi siya nagtatapon ng basura kahit saan
    
    Tumutulong siya sa paglinis ng kapaligiran
    
    Mayroon s'yang pagtitimpi at may kagandahang asal
    
    Kaya dito sa B.E.S. siya'y pinaparangalan.
    

No comments listed yet.