ASERON WEDDINGS-I'LL BE THERE FOR YOU

ASERON WEDDINGS-I'LL BE THERE FOR YOU

2.9K Reads 30 Votes 2 Part Story
Dream Grace By DreamGrace Updated Oct 15, 2019

Malaki ang utang na loob ni Elizabeth kay Lolo Nemo. Tinulungan siya nito noong panahong walang-wala na siyang ibang makakapitan. Her father turned his back on her and her fiance betrayed her and married her sister. 
Kaya naman nang pakiusapan siya ni Lolo Nemo na turuan niyang maging responsable sa negosyo ang apo nitong walang alam kung hindi magwaldas ng pera ay walang pangingiming umoo agad siya dito.
	But that was before she learned that the grandson he was talking about was none other than Giac "The Casanova Aseron" himself. Bigla ay nais niyang bawiin ang pag-oo niya kay Lolo Nemo. Sapagkat si Giac ay walang iba kung hindi ang unang lalaking nagturo sa kanyang hindi niya dapat ipagkatiwala sa isang lalaki ang puso niya. Mas malalim, mas mahirap kalimutan at mas imposibleng patawarin ang sugat na nilikha nito noon sa batang puso niya.
	But what if this was the right time for her to get her revenge? Kapalaran na mismo ang naglapit sa kanya sa binata. Ngayon, ito naman ang paiibigin niya. At sa huli ay tatalikuran tulad ng ginawa nito sa kanya noon.