From Fake Girlfriend to Real Girlfriend

From Fake Girlfriend to Real Girlfriend

9.1K Reads 125 Votes 13 Part Story
Zenice love002 By Zenicelove002 Updated Oct 02, 2019

VENUS's POV

Kringggg.....Kringggg.... Kringggg...

Nang may nagtunog ay agad kong kinuha ang phone ko at itinapat ko sa tenga ko.

"hello? sino 'to?" sabi ko ng nakapikit pa 

takte! walang sumasagot! Di pala ang phone ko ang nagtunog 😅

Binaba ko na ang phone ko at pinatay ang alarm clock ko. Nagmulat pikit ako at may naalala ako.

may pasok ba ako? 

Oo nga may pasok ako!

pagkatingin ko sa alarm clock ko, nakita ko 6:30 na lagot late na ako kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga at dumaretso na sa banyo para maligo.

30 minutes nalang kasi late na ako!. 7:00 A.M ang pasok namin at kailangan nandun na lahat bago mag 7:00 o'clock kaya lagot ako ni'to kapag malate ako, nakakatakot pa naman si Miss Perez. 

^siya ang adviser namin. Ayaw niya ng may nalalate dahil nakaka distract daw sa pagtuturo niya kaya dapat lahat nandun na bago siya magsimula ng lessons.At mahigpit din siya sa hindi nakakasagot ng tanong niya.

Nakakatakot siya diba? 

Kaya ako? 

Jusskoo ! nakakatakot talaga eh!...