HE'S INTO HER Season 1

HE'S INTO HER Season 1

79.4M Reads 1.9M Votes 100 Part Story
maxinejiji By maxinejiji Completed

PUBLISHED UNDER LIB with 8 book parts.

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.
  	Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.
  	Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.
  Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? 
  Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.
  Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

    Cieryiran Cieryiran a day ago
    Lalamun mo lahat yan!!! HUMANDA KA DEIB LHOR ENRILE MOOOOOOOOOON
    iloveACBonifacio iloveACBonifacio 13 hours ago
    Can you please tell me who is acting as Deib Lhor??😢 i just want to see his faccee😩
    Kapag masaya ka kapag kasama mo siya. 
                                  Feeling mo kumpleto araw mo kapag nasa tabi mo siya.
                                  Bumibilis tibok ng puso mo.
                                  Namimiss mo siya pag di ka niya kasama.
    goldbeast_ goldbeast_ a day ago
    Ang ganda kaya ni maxpein! BASE SA PICTURE NA NAKITA KO NA CHARACTER NI MAXPEIN SA FB pretty sya tsaka maputi!
    gn_pnda gn_pnda a day ago
    Sino may gusto ng spoiler? Reply lang kayo sakin ha! 😂😂
    Cieryiran Cieryiran a day ago
    Tae first time ko magbasa ulet ng libro hahaha never ko pa to na try kahit na mahal na mahal ko mga nabasa ko hahaha nilamon na ako ng hih